-- ADVERTISEMENT --

Nagkansela ng kanilang biyahe ang hindi bababa sa 58 na pantalan sa buong bansa bunsod ng patuloy na paghagupit ng Bagyong Ramil sa Luzon at Visayas.

Sa datos ng situational report mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pinakamaraming nakanselang trips ang nasa bahagi ng Bicol Region na mayroong 26 cancelled trips, sinundan ng Calabarzon, na nkapagtala ng 18 habang nakapagtala naman ng 11 cancelled trips ang rehiyon ng MIMAROPA.

Dalawa naman mula sa Eastern Visayas ang kasalukuyan nang operational at kasalukuyan nang tumatanggap ng mga biyahe.

Samantala, nasa kabuuang 4,178 naman ang bilang nang mga pasahero na-stranded sa mga pantalan bunsod ng bagyo kung saan pinakmarami ang naitala sa Bicol Region na mayroong higit sa 3,142 na mga stranded passengers.

Kasalukuyan naman nang nakakatanggap na ng mga paunang tulong ang mga stranded passengers habang patuloy na nakamonitor sa mga epekto pa ng naturang sama ng panahon sa bansa.

-- ADVERTISEMENT --