Hindi na makakasali si Olympic gymnastics champion Carlos Yulo sa 2025 Southeast Asian Games sa Bangkok, Thailand dahil sa ipinatupad na limitasyon ng host country sa artistic gymnastics, kung saan pinapayagan lamang ang mga male gymnasts na lumaban sa isang apparatus sa individual events.
Suportado ni Gymnastics Association of the Philippines President Cynthia Carrion ang desisyon ni Yulo na bigyang-daan ang kanyang mga kasamahan sa koponan na makakuha ng pansin at pagkakataon ngayong taon, sa kabila ng mga restrictions sa kompetisyon.Miss Universe merchandise
Ayon sa pamunuan, mas makabubuting pagtuunan ni Yulo ng pansin ang mga mas malalaking international meets kung saan mas malaya siyang makalaban sa lahat ng apparatus.
Sa panig naman ng fans ng Pinoy Golden Boy, pinalakas nila ang loob ng kababayan, dahil wala na raw itong kailangan pang patunayan sa larangan ng gymnastics.