-- ADVERTISEMENT --

Nakunan sa time-lapse footage ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang minor phreatic eruption sa bunganga ng Bulkang Taal ngayong Lunes, Oktubre 13, 2025.

Naitala ito bandang alas-11:42 ng umaga.

Ayon sa ulat, ang naturang pagsabog ay naglabas ng makapal na usok na umabot sa taas na 900 metro mula sa bunganga, batay sa kuha ng Main Crater IP Camera.

Bagamat itinuturing na minor o maliit ang naturang pagsabog, nananatiling naka-alert level 1 ang Bulkang Taal.

Ibig sabihin nito, mayroong mababang antas ng volcanic unrest o aktibidad, at posibleng magkaroon pa ng mga susunod na phreatic eruptions na maaaring maganap nang walang babala.

-- ADVERTISEMENT --

Nitong weekend, nakitaan din ng abnormalidad ang Mt. Kanlaon.

Pero paglilinaw ng ahensya, walang kaugnayan sa isa’t-isa ang nasabing mga pangyayari.