-- ADVERTISEMENT --

Ipinahayag ng komedyanteng si Kakai Bautista ang kanyang paghanga kay Pasig City Mayor Vico Sotto matapos ilunsad ng alkalde ang Emergency Go Bag initiative para sa mga residente ng lungsod.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Kakai ang video ng nasabing bag na naglalaman ng first aid kit, flashlight, disaster preparedness booklet na may emergency hotlines at QR code para sa gabay, at iba pang mahahalagang gamit.

Kaugnay nito una nang nag-viral ang kanyang post at umani ng papuri mula sa netizens.

‘Tinatawagan po ang lahat ng LGU’s. Mga Mam! Ser!!!! Kilos napo, opo. Pagalingan nga kayo nga GO BAGS….SIGE NGAAAAAA?!!! Paramdam naman po!!!!!,’ ani pa ni Kakai sa kanyang post.

Bukod dito, nagbahagi rin si Kakai ng kanyang karanasan sa Vietnam, kung saan pinuri niya ang kaayusan ng mga kalsada, urban planning, at kung paanong nakikita ang maayos na paggamit ng buwis ng mamamayan.

-- ADVERTISEMENT --