Hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa kanyang tagumpay matapos hirangin bilang Best Supporting Actress sa Cinemalaya 2025 para sa kanyang pagganap sa Child No. 82 —ang kanyang debut sa independent film scene.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Rochelle ang kanyang tropeo at nagpasalamat sa mga tagasuporta. “Still feels surreal… hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos maisip na nangyari talaga ‘to,” aniya.
Nagpasalamat din ang aktres sa kanyang pamilya, lalo na sa asawa niyang si Arthur Solinap at anak nilang si Shiloh. “This isn’t just my win. It’s ours,” dagdag ni Rochelle.
“I AM AN ACTRESS!” aniya sa pagtatapos ng mensahe.
Bago ito, pinuri rin si Rochelle noong 2024 sa kanyang papel bilang Tiya Amalia sa makasaysayang Kapuso drama na Pulang Araw.
Bukod sa pag-arte, aktibo pa rin siya sa pagsayaw at kamakailan ay nagbunyag ng SexBomb Girls reunion concert na nakatakdang ganapin sa Disyembre.