-- ADVERTISEMENT --

Naniniwala si dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na mali at hindi makatarungan ang desisyon ng International Criminal Court (ICC) na ibasura ang kahilingan para sa pansamantalang paglaya o interim release ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa isang video message, ipinaliwanag ni Roque ang ilang dahilan ng korte sa pagtanggi sa apela ng kampo ng dating pangulo.

Aniya, isa sa mga naging batayan ng ICC ay ang posibilidad na ginawa ni Duterte ang mga paratang laban sa kanya.

Ibig sabihin, ayon kay Roque, naniniwala ang hukuman na may kinalaman si Duterte sa mga akusasyong Crime Against Humanity.

Pinaka-kontrobersyal umano sa mga batayan ng ICC ay ang posibilidad na tumakas si FPRRD sakaling payagan itong makalaya pansamantala.

-- ADVERTISEMENT --

Naniniwala si Roque na nagkamali ang hukuman sa ganitong paghusga.

Paliwanag pa ng dating tagapagsalita ng Pangulo, normal lamang ang naging reaksyon ng pamilya sa insidente sa Villamor, lalo’t walang naipakitang warrant of arrest sa kanila.

Giit ni Roque, ang nangyari kay Duterte ay maituturing na kidnapping at paglabag sa batas ng mga tauhan ng gobyerno.

Samantala, sa panayam ng Bombo Radyo kay ICC-accredited lawyer Atty. Gilbert Andres, sinabi niyang ipinapanalangin nila na matuloy na ang confirmation of charges laban kay Duterte.

Ito ay kasunod ng pagtanggi ng ICC sa apela ng kampo ni Duterte na makalaya pansamantala bilang konsiderasyong makatao.