-- ADVERTISEMENT --

Dapat na masusing pag-aralan ang panukala sa pagbibigay ng isang buwang income tax holiday para sa mga manggagawa.

Ito ang iginiit ni Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Secretary Frederick Go para matukoy aniya kung kaya ba itong maisagawa o hindi.

Ayon pa sa economic czar, bago lamang ang naturang panukala, kaya dapat na pag-aralan muna ito nang mabuti ng mga ahensiya ng gobyerno gaya ng Department of Finance (DOF) at Department of Budget and Management (DBM).

Matatandaan, kamakailan lamang nang inihain ni Senator Erwin Tulfo ang Senate Bill No. 1446 o kilala din bilang One-Month Tax Holiday of 2025 na naglalayong magbigay ng pansamantalang kaluwagan sa buwis ng mga manggagawa sa loob ng isang buwan.

Ibig sabihin, hindi na kailangan magbayad ng buwis sa suweldo ang mga indibidwal sa loob ng isang buwan sakaling maisabatas ito.

-- ADVERTISEMENT --

Para sa “mixed-income earners,” ang bahagi lamang ng kanilang kita mula sa sahod ang hindi bubuwisan.

Hindi naman kasama sa exemption ang mga mandatoryong kontribusyon tulad ng SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG at patuloy pa ring ibabawas sa suweldo.