Mamamagitan na rin ang Prime Minister ng Qatar at delegasyon ng Turkey sa ikatlong araw ng peace talks sa pagitan ng mga negotiator ng Hamas at Israel na naglalayong mawaksan na ang giyera sa pagitan ng magkabilang panig ngayong Miyerkules, Oktubre 8.
Ito ay bahagi ng indirect negotiations sa pagitan ng Israel at Hamas na isinasagawa sa Red Sea resort town ng Sharm El-Sheikh kaugnay sa 20-point plan na ipinanukala ni US President Donald Trump.
Nitong Martes, sinabi ni Trump na makikibahagi din ang US negotiators sa naturang pag-uusap. Nagpahiwatig din ang US President na may posibilidad na makamit ang kapayapaan sa Middle East at ang pagnanais na agarang mapalaya na ang lahat ng natitirang mga bihag ng Hamas sa Gaza.
Ayon kay Trump, gagawin ng Amerika ang lahat para matiyak na susunod ang bawat isa sa kasunduan, sakaling magkasundo na ang Hamas at Israe