Naghain na ngayong Martes, Oktubre 7, si Senator Jinggoy Estrada ng kasong perjury laban kay dating Bulacan assistant district engineer Brice Hernandez sa Quezon City Prosecutor’s Office.
Ito ay may kaugnayan sa mga alegasyong nagdadawit sa Senador sa umano’y anomaliya sa infrastructure projects.
Matatandaan, una ng inakusahan ni Hernandez si Sen. Estrada sa isinagawang pagdinig ng House Infrastructure Committee noong Setyembre 8, nang pagsingit ng P355 million na halaga ng flood control projects sa ilalim ng 2025 national budget at umano’y pagtanggap ng 30 porsyento bilang kickback.
Ang mga alegasyong ito ni Hernandez ay nauna nang pinabulaanan ng Senador at tinawag na kathang-isip at gawa-gawa lamang.
Hinamon din niya si Hernandez na sumalang sa lie-detector test kasama niya para magkaalaman kung sino ang nagsasabi ng totoo.