Ikinalungkot ng kasalukuyang kalihim ng Department of Justice na si Sec. Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla ang pagbibitiw ni Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.
Kasunod ng ‘resignation’ ng naturang senador, itinuring ni Justice Sec. Remulla ito bilang isang kawalan.
Ang naturang komite na siyang pinamumunuan ni Sen. Ping Lacson ay ang siyang nakatalaga para sa imbestigasyon ukol sa flood control projects anomaly.
Ngunit gayunpaman, binigyang pagkilala ng kalihim ang naging papel ni Sen. Lacson bilang isa sa mga pinakamahuhusay umanong imbestigador sa Pilipinas.
Samantala bilang tagapangulo ng komiteng tumututok sa imbestigasyon ng maanomalyang flood control projects, maisa pang binigyang pagkilala ni Justice Sec. Remulla ang tulong naihatid ni Sen. Ping Lacson.
‘It will be missed’ aniya ang husay o skill nito sa pag-iimbestiga kung kaya’t ibinahagi ng kalihim na sa kabila ng pagbibitiw ay patuloy pa rin silang makkipag-uugnayan sa senador.
Aniya’y hihingi pa rin siya ng advice mula kay Sen. Lacson ukol sa nagpapatuloy na imbestigasyon at case buildup sa flood control projects anomaly.
Bagama’t hiling o umasa siyang hindi na matutuloy ang pagbibitiw, aminado siyang ganito ang takbo o kaganapan pagdating sa senado bilang isang independent body.
Samantala, biniyang diin ng naturang kalihim na kinakailangan i-endorso ng Senate President ang sinumang personalidad ang irerekumendang isailalim sa witness protection program at bilang isang state witness.
Ito’y sakaling ang bagong itatalagang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee ay may nais o ipakunsiderang mailagay sa naturang programa.
Bagama’t hindi aniya ito ‘binding’, ipinaliwanag ni Justice Secretary Remulla na dadaan pa sa ebalwasyon at pagsusuri ang mga indibidwal na isasailalim sa protection program at state witness.