-- ADVERTISEMENT --

Pormal nang sumulat si Senate President Pro-Tempore Ping Lacson kay Senate President Vicente Sotto III upang ipabatid ang kanyang pagbibitiw bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na nag-iimbestiga sa maanomalyang flood control projects.

Sa liham na ipinadala kay Sotto, sinabi ni Lacson na ang kanyang pagbibitiw ay bunsod ng mga alegasyon at pagkadismaya ng ilang senador sa direksiyon ng imbestigasyon ng komite.

Ayon pa kay Lacson, ilang mga kasamahan sa Senado ang nagsabing tila pinupuntirya ng Blue Ribbon Committee ang ilang senador habang pinoprotektahan naman umano ang ilang miyembro ng Kamara na sangkot sa kontrobersiya sa flood control projects.

Giit ng senador, na nananatiling patas at walang pinapanigan ang isinasagawang imbestigasyon ng kanyang komite at tanging ebidensiya at katotohanan ang mga batayan nito.

Dagdag pa niya, walang pulitikal na konsiderasyon ang kanyang mga hakbang bilang pinuno ng komite at wala siyang planong tumakbo sa anumang posisyon matapos ang kanyang termino sa 2031.

-- ADVERTISEMENT --