-- ADVERTISEMENT --
Naglabas ang Department of Labor and Employment (Dole) ng cease and desist order sa mga business process outsourcing (BPO) company sa Cebu.
Ito ay dahil sa kakulangan ng disaster response plans sa tuwing mayroong kalamidad na dumarating.
Ayon sa DOLE na hindi nila nakita ang disaster preparedness and response plan sa occupational safety and health (OSH ) program.
Hinikayat din nito ang kumpanya na gamitin ang flexible working arrangements.
Magugunitang noong Oktubre 2 ng maghain ng reklamo ang grupong BPO Industry Employees Network (BIEN) laban sa 30 BPO companies dahil sa paglabag sa labor and occupational safety laws noong maganap ang malakas na lindol sa Cebu noong Setyembre 30.