-- ADVERTISEMENT --

Hinamon ni dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson ang Malacañang na magsabi lamang ng katotohanan.

May kaugnayan ito sa mga isyu na ibinabato sa kaniya gaya ng jueteng at ang interest nito na maging opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Ayon kay Singson na ang mga lumabas na balita ay kagagawan ng mga trolls ng kasalukuyang administrasyon.

Mula pa noon ay kaniyang nasagot ang alegasyon na siya ang masternind ng iligal na jueteng.

Pinabulaanan din nito na interesado siyang maging opisyal ng PCSO kahit na inalok na siya noon.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito ay binatikos niya si Palace Spokesperson Claire Castro at tinawag na ‘attack dog’ kung saan mayroong pera ay doon umano tumatahol.