Pormal na tinatanggap ni Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero ang inihaing show cause order ng Commission on Elections (Comelec) laban sa kaniya hinggil sa P30 milyong halaga ng donasyon na umano’y tiunanggap niya nitong nagdaang 2022 elections.
Ani Escudero, ang kaniyang pagtanggap sa kautusan ng komisyon ay tsansa upang maipakita niya na wala siyang nilabag na kahit anumang batas sa nagdaang halalan.
Aniya, handa niyang sagutin at ipakita na hindi totoo ang mnga alegasyon at akusasyon na ibinabato sa kaniya hinggil sa pagtanggap ng donasyon.
Samantala, magugunita naman na nitong Sabado ay naghain ng isang show cause order ang Comelec laban kay Escudero na siyang naglalayong humingi ng paliwanag mula sa senador tungkol sa halaga na ito.
Batay naman sa Article 11 of the Omnibus Election Code, mahigpit na ipinagbabawal ang mga kontraktor o maging mga sub-contractors na mamahagi ng donasyon sa mga kawani ng gobyerno.