-- ADVERTISEMENT --

Pinapayuhan pa rin ng Phivolcs ang publiko na maging maingat sa pagbabalik sa kanilang mga bahay, kahit ilang araw na matapos ang 6.9 magnitude na lindol sa Bogo, Cebu.

Ayon kay Phivolcs Dir. Teresito Bacolcol, hindi ligtas na bumalik sa mga gusali na una nang nakitaan ng mga bitak hangga’t hindi ito naisasa-ayos.

Hanggang ngayon kasi ay may mga pagyanig pa rin sa lugar at kung minsan ay may kalakasan pa ang naitatala ng mga otoridad.

Sa data ng Phivolcs, umaabot na sa mahigit 5,228 ang naitalang aftershocks.

Nasa 1,023 sa mga ito ang plotted o na-detect ng dalawa o higit pang monitoring facility ng ahensya.

-- ADVERTISEMENT --

Habang 22 naman ang naramdaman ng mga residente.

Ang lakas ng aftershocks ay mula magnitude 1.0 hanggang magnitude 5.1.

Inaasahang magpapatuloy pa ito hanggang sa mga darating na linggo ang serye ng mga pagyanig.