-- ADVERTISEMENT --
Hindi ikinatuwa ni Russia President Vladimir Putin ang plano ng US na magsuplay ng Tomahawk missiles sa Ukraine.
Sinabi nito na ang pagbibigay ng US ng missiles sa Ukraine ay nakakasira ng relasyon ng US at Russia.
Mas lalo pa aniya nitong palalalain ang gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Kahit na suplayan niya ng US ng missile ang Ukraine ay handa ang air-defense ng Russia para agad na harangin at pabagsakin ang nasabing missile.
Magugunitang una ng sinabi ni US Vice President JD Vance na magsusuplay sila ng Tomahawk missile sa Ukraine dahil sa walang tigil pa rin ang pag-atake ng Russia.