-- ADVERTISEMENT --

Muling bubuksan ng Commission on Elections (Comelec) ang voters’ registration sa ikatlong linggo ng Oktubre para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa susunod na taon.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwing Garcia, inaasahan ang mahigit 1.4M bagong registrants  hanggang Hulyo 2026, apat na buwan bago ang eleksyon sa Nobyembre 2.

Matatandaang nakapagtala ang poll body ng 2.8 milyong bagong botante noong nakaraang 10-araw na registration drive noong Agosto, mas mataas kaysa target na 1.5M.

Gayunman, nilinaw ni Garcia na ang mga bagong registrants ay hindi makakaboto sa Bangsamoro Parliamentary Elections dahil nakasaad sa batas na tanging mga botanteng nakalista noong May 2025 elections lamang ang kasama rito.

Samantala, ipinahinto na ng COMELEC ang iba pang paghahanda para sa BSKE ngunit ipagpapatuloy ang procurement, bidding, at pag-imprenta ng 93 milyong balota ngayong buwan.

-- ADVERTISEMENT --

Nasa 90 na araw ang ilalaan ng komisyon sa pag-imprenta ng balota. Tiniyak ni Garcia na sasapat ang kanilang manpower pati na rin mga printing machines para sa mga balota ng BSKE.