Nagtalaga ng hindi bababa sa 2,250 na pulis ang Philippine National Police (PNP) bilang karagdagang tulong sa mga apektado ng magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Cebu.
Ayon kay Directorate for Police Community Relations Dputy Director PBGen. Antonio Marallag Jr., ang mga pulis na ito ay mula sa iba’t ibang yunit na inatasan na maging karagdagang manpower sa Cebu.
Habang nakadeploy ang bultuhang pwersa mula sa Police Regional Office 7 ay nagtalaga rin ng augmentation ang Pambansang Pulisya mula sa PRO 8, Negros Isand Region at maging mula sa iba pang yunit.
Ang mga tauhan na ito ay nakapokus ngayon sa pagtulong sa relief operations sa lugar maging sa rehabilitasyon sa mga apektadong lugar.
Kasama rin sa magiging pokus ng pulisya ang pagpapanatili ng seguridad at kaligtasan ng publiko na siyang apektado ng lindol.
Sa ngayon, mayroong 34 na PNP stations ang kabilang sa mga napinsala sa lindol habang 37 naman ang apektadong mga pulis.