-- ADVERTISEMENT --

Umabot sa 25 katao ang nasawi matapos gumuho ang scaffolding sa loob ng isang simbahan sa Ethiopia.

Nangyari ang insidente sa Menjar Shenkora Arerti Miriam Church na matatagpuan sa rehiyon ng Amhara.

Ayon sa ulat, abala ang mga mananampalataya sa pagsamba nang biglang bumagsak ang scaffolding.

Isa sa mga nakikitang dahilan ng pagguho ay ang dami ng mga taong umakyat dito upang masilayan ang mural na nasa kisame ng simbahan.

Samantala, halos 20 iba pa ang agad na isinugod sa pinakamalapit na ospital matapos magtamo ng iba’t ibang uri ng sugat.

-- ADVERTISEMENT --