-- ADVERTISEMENT --

Niyanig ng 6.0 na lindol ang karagatan malapit sa pangunahin at pinaka-mataong isla ng Indonesia, ang Java, noong Martes ng gabi, ayon sa US Geological Survey (USGS).


Tumama ang lindol bandang alas-11:49 ng gabi (local time), na may sentro sa layong 156 kilometro silangan ng Surabaya, ang ikalawang pinakamalaking lungsod sa bansa, at may lalim na 13.9 kilometro.


Naramdaman din ang pagyanig sa Sidoarjo, kung saan isang gusali ng Islamic school ang isang araw bago ang lindol, na nagresulta sa pagkasawi ng tatlong katao.


Patuloy pa rin ang rescue operations sa lugar upang mailigtas ang mga natabunan ng mga nagbagsakang debris.


Ayon sa Indonesia Meteorology, Climatology, and Geophysical Agency walang banta ng tsunami kasunod ng tumamang lindol sa isla.

-- ADVERTISEMENT --


Sa ngayon, apat na aftershock na ang naitala, ng bansa kabilang ang isa na may lakas na magnitude 4.4.