-- ADVERTISEMENT --
Nakatakdang pauwiin ng US sa kanilang bansa ang ilang daang mga Iranian citizens.
Ayon kay Hossein Noushabadi, director general for parliamentary and consular affairs sa Iran’s Ministry of Foreign Affairs, na ang unang batch na 120 deportees ay inaasahan darating sa Iran sa mga susunod na araw.
Mayrong nasa 400 na mga mga Iranians ang nakatakdang ilikas ng US.
Karamihan sa mga pinalikas na Iranians ay walang mga dokumento kung saan nakapasok sila sa pamamagitan ng pagdaan sa Mexico.
Ang nasabing hakbang ay dahil sa pinaigting immigration crackdown ng US laban sa mga iligal na migrants sa US.
-- ADVERTISEMENT --