Suportado ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang panawagan ni Sen. Bam Aquino na bawasan ang flood control budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Bahagi ng ₱255 bilyon ay ililipat para palakasin ang pondo ng State Universities and Colleges (SUCs).
Giit ng DBM, prayoridad ng administrasyong Marcos ang edukasyon.
Panawagan naman ng kalihim sa Kongreso na aprubahan agad ang dagdag na pondo para sa SUCs.
Samantala, nilinaw ng kalihim na hindi maaapektuhan ang kabuuang gastusin sa imprastruktura kahit bawasan ng ₱255 bilyon ang flood control projects ng DPWH.
Giit ng opisyal na matutuloy pa rin ang mga pangunahing proyekto gaya ng paaralan, ospital at mga imprastrukturang para sa agrikultura.
Una rito, mula sa ₱881 bilyon, bumaba na sa ₱625.78 bilyon ang 2026 budget proposal ng DPWH matapos alisin ang mga doble o tapos nang proyekto.