-- ADVERTISEMENT --
Nanawagan ang Pilipinas sa United Nations members states nito na himukin ang Annex II states na lumagda at magratipika ng Comprehensive Nuclear-Test-Ban Treaty.
Sa UN General Assembly, iginiit ni DFA Sec. Ma. Theresa Lazaro na tatlong dekada na ngunit hindi pa rin ito naipapatupad.
Binigyang-diin niya na prayoridad ng bansa ang pagsusulong ng isang mundong walang nuclear arms.
Kaugnay nito, tiniyak ng Pilipinas, bilang co-chair ng naturang conference, ang masigasig na pagtatrabaho para maisulong ang pagpapatupad ng kasunduan.











