-- ADVERTISEMENT --
Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng dagdag-bawas sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo.
Kaninang alas-6 ng umaga ng ipinatupad ang P0.20 na bawas presyo sa kada litro ng gasolina.
Habang mayroong P0.90 ang dagdag sa kada litro ng kerosene ganun din ang diesel ay mayroong P0.90 kada litro na dagdag presyo.
Ito na ang pang-anim na linggong taas preso sa diesel at kerosene.
Itinuturing pa rin ng Department of Energy na ang sanhi ng pagtaas ng presyo ay dahil sa patuloy na kaguluhan sa Gitnang Silangan.
-- ADVERTISEMENT --