-- ADVERTISEMENT --

Binuksan na sa publiko ang 10-talampakan na statue ng tinaguriang Rock n’ Roll Queen na si Tina Turner.

Matatagpuan ito sa isang park sa Brownsville, Tennessee kung saan ito lumaki.

Makikita sa statue ang signature nitong hairdo habang may hawak na microphone.

Gawa ito ng sculpture na si Fred Ajanogha kung saan ginaya niya ang postura ng singer tuwing ito ay konsiyerto.

Magugunitang pumanaw ang singer noong Mayo 24, 2023 sa edad na 83 dahil sa matagal na ntiong sakit sa kanilang bahay sa Kusnacht malapit sa Zurich.

-- ADVERTISEMENT --

Ilan sa mga pinasikat nitong kanta ay ang “Private Dancer”, “Proud Mary”, “What’s Love Got to Do With It” at maraming iba pa.