-- ADVERTISEMENT --

Binaha bandang 1:00 ng hapon ang ilang pangunahing kalsada sa Metro Manila bunsod ng patuloy na pag-ulan.

Sa Mandaluyong City, bahagyang lubog sa tubig ang EDSA Shaw tunnel northbound ngunit maaari pa ring daanan ng lahat ng uri ng sasakyan.

Sa Pasig City, parehong sitwasyon ang naitala sa Edsa Ortigas BMW southbound, C5 Julia Vargas southbound, at C5 Ortigas service road southbound.

Sa Quezon City, bagama’t passable pa rin ang karamihan ng kalsada gaya ng Edsa Kamias, P. Tuazon Tunnel, at Quezon Avenue, hindi na madaanan ng magagaan na sasakyan ang G. Araneta-P. Florentino na knee-deep na ang baha, habang waist-deep na ang tubig sa Araneta-Maria Clara na hindi na passable sa lahat ng uri ng sasakyan.

Sa Taguig City, nananatiling passable ang C5 Kalayaan service road southbound sa kabila ng gutter-deep na baha.

-- ADVERTISEMENT --

Sa Caloocan City, parehong sitwasyon ang naitala sa C3 NLEX Connector northbound at southbound, na lubog sa tubig ngunit bukas pa rin sa trapiko.