Nagdeklara na ng state of calamity ang hindi bababa sa 53 na mga lugar at munisipalidad bunsod ng naging epekto ng mga nagdaang bagyong Mirasol, Nando at Opong.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 29 ang naitalang nasa ilalim na ng state of calamity sa Cagayan Valley, 21 ang mula sa Bicol Region, habang isa naman ang naitala sa Ilocos Region maging sa Bangsamoro Autonoumous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Layon ng deklarasyon ng state of calamity na mas mapabilis pa ang paglalabas ng resources ng lokal na pamahalaan para magbigay ng tulong at mapunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga residente sa lugar.
Samantala, maliban dito ay papayagan din na magamit ng mga naturang lugar at munisipalidad ang kanilang Quick Response Fund para sa mga pagbibigay ng humanitarian assistance sa mga apektadong residente.