-- ADVERTISEMENT --

Kumpirmadong pito ang nasawi sa pananalasa ng Bagyong Opong sa Eastern Visayas, kabilang ang isang apat na taong gulang mula sa Biliran.

Maraming kabahayan din ang nasira at ilang bahagi ng Leyte, Baybay City, Almeria, Biliran, at Samar ang nakaranas ng landslide.

Lubog din sa baha ang Ormoc City, Mahaplag, San Francisco sa Southern Leyte, Catbalogan City, at iba pang lugar sa Samar.

Ayon sa Office of the Civil Defence Region 8, may pitong indibidwal ang nasagip sa Homonhon Island habang ang mga dating naiulat na nawawala ay ligtas nang nakabalik.

Umabot sa 27,653 katao ang naapektuhan ng bagyo at habagat, ayon sa DSWD, na patuloy ang pamamahagi ng tulong.

-- ADVERTISEMENT --

Kasalukuyang isinasagawa ang search and rescue operations ng OCD at iba pang ahensya ng gobyerno.