-- ADVERTISEMENT --

Nanawagan si Palestinian President Mahmoud Abbas ng tuluyang pagtatapos ng giyera sa Gaza.

Sa kaniyang video message sa United Nations General Assembly (UNGA) na mahalaga na magtulong-tulong ang mga bansa para matigil na ang ginagawang genocide ng Israel.

Bukod pa dito ay nagdudulot ng kagutuman, pagkasira at mga pagkawala ng mga tahanan ng mga Palestino sa Gaza.

Giit nito na walang hustisya kung hindi mapapalay ang mga Palestino.

Handa umano itong makipagtulungan sa US , Saudi Arabia, France at UN para maipatupad ang peace plan sa Gaza.

-- ADVERTISEMENT --

Noong nakaraang linggo kasi ay inindorso ng 193 member ng UN General Assembly ang pitong pahina na declaration na naglalayong magkaroon ng two-state soluiton para sa Israel at Palestinian at matapos na ang giyera sa pagitan ng Israel at Hamas sa Gaza.

Paglilinaw nito na walang anumang papel ang Hamas sa pamumuno kung saan isusuko nila ang kanilang armas sa Palestinian authorities.

Magugunitang nag-videol message na lamang ang Palestinian leader matapos na tanggihan ni US President Donald Trump ang mga lider ng Palestine ng kanilang US Visa para makadalo sa taunang UN summit sa New York.