-- ADVERTISEMENT --
Ipinagtanggol ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang Department of Budget and Management (BDM) ukol sa usapin ng budget insertion.
Sinabi ng Kalihim na kailanman ay hindi sangkot ang kaniyang ahensiya sa pagsisingit ng mga budget.
Reaksyon ito ni Pangandaman laban sa mga kritiko ng ahensiya ukol sa kontrobersya ng budget insertion.
Paliwanag nito na ang trabaho ng DBM ay mangolekta ng datos mula sa iba’t-ibang departamento kabilang ang mga request nilang proyekto.
Ang mga namumuno ng bawat ahensiya ang siyang nagtatangol ng nasabing mga budget habang dumedepende rin ang DBM sa mga naisumiteng dokumento ng mga ahensya.
-- ADVERTISEMENT --
Malinaw dito aniya sa proseso na wala silang anumang direktang pagkakasangkot sa budget insertion.