-- ADVERTISEMENT --
Ibinunyag ng Securities and Exchange Commission (SEC) na walang limitasyon ang interest rate na maaring ipataw ng mga oniline lending applications.
Ayon sa kay SEC counsel Atty. Romarie Abrazaldo na ang loan transactions ay sakop ng civil law kaya ang mga pinag-usapan at pinakasunduan sa kontrata ng umutang at nagpautang ang siyang nasusunod.
Maaring dumulog ang umutang sa korte para ireklamo ang mataas na interest rate dahil sa wala pang kasalukuyang batas na nagbabawal ng pagtaas ng rate.
Dahil dito ay pinag-aaralan na rin ng SEC na magpataw ng interest rate ceiling sa mga online lending app.
-- ADVERTISEMENT --