-- ADVERTISEMENT --
Pormal ng sinampahan ng kaso ang suspek na pumatay sa conservative activist na si Charlie Kirk.
Ayon kay Utah County Attorney Jeffrey S. Gray , nahahaharap ang suspek na si Tyler Robinson ng aggravated murder kung saan maaring patawan ito ng parusang kamatayan.
Dagdag pa nito na mayroong kabuuang pitong kaso ang isinampa sa 22-anyos na suspek kabilang ang obstruction of justice dahil sa pagtatapon ng mga ebidensiya at pag-utos sa roommate nito na burahin ang mga text messages.
Hiniling ni Gray na kung maari ay patawan na ng parusang kamatayan ang suspek.
Magugunitang binaril ni Robinson si Kirk habang ito ay nasa pagtitipon sa Utah Valley University.
-- ADVERTISEMENT --