-- ADVERTISEMENT --
Itinakbo sa pagamutan si dating Brazilian President Jair Bolsonario dahil sa panghihina.
Ayon sa panganay na anak nto na si Senator Flavio Bolsonario, na nagsusuka at bumaba ang blood pressure ng dating pangulo kaya dinala ito sa pagamutan.
Humingi siya ng pagdarasal para sa mabilis na paggaling ng dating pangulo.
Magugunitang na-convict ang dating pangulo dahil sa pagpaplano nito na maglunsad ng kudeta at tangkang pagpatay sa kasalukuyang lider ng bansa na si President Luiz Inácio Lula da Silva.
Nahatulan ang 70-anyos na dating pangulo ng mahigit 27 taon na pagkakakulong.
-- ADVERTISEMENT --
Na-ospital na rin ito noong nakaraang mga araw dahil sa sakit na nararamdaman mula sa pagkakasaksak sa kaniya noong nangangampanya pitong taon na ang nagdaan.