-- ADVERTISEMENT --

Patuloy na ipinapatupad ng Philippine National Police (PNP) ang ‘no permit, no rally’ policy para sa mga ikakasang mga kilos protesta pa sa mga susunod na araw ayon yan kay Acting PNP Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr.

Sa isang panayam, binigyang diin ng Acting PNP Chief na ang mga organizers ng mga isasagawang kilos protesta sa ibat ibanag bahagi ng Metro Manila ay dapat lamang na makapag-secure ng kani-kanilang permit upang mapayagang magsagawa ng mga programa.

Kasunod nito binigyang paalala rin ni Nartatez ang mga raliyista na ang EDSA People Power Monument at EDSA Shrine ay hindi aniya isang ‘freedom park’ kaya naman mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga lugar na ito bilang pagdarausan ng mga ganitong pagtitipon.

Ani pa ni nartateza, alam na dapat ng mga raliyista ang mga patakaran na ito at maari na lamang aniya na sundin ang mga alituntunin na ito bilang mga matagal nang nagkakasa ng mga protesta.

Samantala, kaugnay naman sa mga walang makukuhang mga permit, hiniling at pinanawagan ni Nartatez na ang mga magrarally ng walang kaukulang dokumento ay huwag na lamang tumuloy sa pagkaksa ng kanilang mga programa.

-- ADVERTISEMENT --

Aniya, bagamat ito ang pakiusap ng Pambansang Pulisya ay tiniyak naman ng Acting PNP Chief na nakahanda ang kanilang hanay at patuloy rin ang implementasyon ng maximum tolerance para sa mga grupong pipiliin pa ring mag-rally ng walang mga permit.

Sa kasalukuyan, nakaantabay na ang hanay ng pulisya para sa ikakaang malawakang kilos protesta sa Luneta sa darating na Linggo, Setyembre 21 bilang panawagan ng mga progresibong grupo laban sa korapsyon.