-- ADVERTISEMENT --

Tinatayang 110,000 katao ang lumahok sa “Unite the Kingdom” rally na pinangunahan ng kilalang far-right activist na si Tommy Robinson noong Sabado, ayon sa Metropolitan Police.

Nagsimula ang mga martsa mula sa Waterloo at Lambeth Bridge bago nagtungo sa Whitehall, malapit sa UK Parliament.

Ipinahayag ni Robinson, cofounder ng anti-Islamist English Defence League (EDL), na ang pagtitipon ay para sa “free speech” at pagtatanggol sa kulturang Briton.

Gayunman, nagkaroon ng tensyon matapos makasagupa ng mga nagprotesta ang mga pulis at grupong kontra-rasismo.

Siyam ang inaresto habang mahigit 1,600 pulis, kasama ang mounted units, ang ipinuwesto upang pigilan ang kaguluhan.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, tinatayang 5,000 katao naman ang dumalo sa hiwalay na “Stand Up to Racism” rally na nagsilbing kontra-protesta sa kilos ng mga tagasuporta ni Robinson.