-- ADVERTISEMENT --

Nanindigan si Center for International Law President Atty. Joel Butuyan na walang sapat na basehan ang mga balita hinggil sa kasalukuyang health condition ni dating pangulo Rodridgo Duterte dahilan para maantala ang dapat sanang confirmation of charges sa Setyembre 23.

Ayon kay Butuyan, sa mga naging nakaraang panayam ng mga anak ng dating opisyal partikular na sila Vice President Sara Duterte, inihayag na maayos ang kalagayan ng dating pangulo sa loob ng detention center.

Giit niya, ang mga hakbangin na ito ay isa lamang sa kanilang mga ‘baseless claims’ para maka-secure ng isang interim release mula sa International Criminal Court (ICC).

Dagdag pa ni Butuyan, alam ng dating pangulo ang kasalukuyang nangyayari at ang kaniyang ginawa kaya naman naniniwala siyang ang mga sinasabi ng defense team ay pawang mga ‘delaying tactics’ lamang matapos na ma-deny ang kanilang mga nakaraang mosyon.

Samantala, kasunod naman nito isa rin aniyang political move ang pag-apela ni Nicolas Kaufman, legal counsel ni dating pangulo Duterte, kay Pangulong Feredinand Marcos Jr. na payagang makauwi na ng bansa ang dating opisyal.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy lamang aniyang ginagamit ng panig ng mga Duterte ang interes ng mga diehard Duterte Supporters (DDS) para maipanalo ang darating na 2028 national elections.