Mariing tinutulan ng Department of Justice Prosecutors ang inilabas na desisyon ng isang korte sa Maynila na pumayag makapagpiyansa si dating Negros Oriental Rep. Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr.
Sa ibinahaging pahayag ng kagawaran, kontra anila sila nang pagbigyan ng Manila Regional Trial Court Br. 12 ang ‘motion for bail’ ni Teves sa isang kinakaharap na kaso.
Dito binigyan diin ng prosekusyon na ang naging ‘ruling’ ng korte sa ‘murder case’ ng dating kongresista noon 2019 ay di’ makakaapekto sa iba pang mga kasong isinampa laban sa kanya.
Ang bigat at lakas anila ng iba pang ‘pending charges’ kay former Negros Oriental Rep. Teves Jr. ay walang epekto o makapagpapahina rito.
“We emphasize, however, that this grant of bail will be the subject of strong opposition by our prosecutors. The ruling in this single case does not diminish, nor does it affect, the weight and strength of the other charges pending against Mr. Teves,” saad sa opisyal na pahayag ng Department of Justice Prosecutors.
Kaya’t giit ng DOJ Prosecutors na ang pagpapahintulot na makalaya si Teves ay siyang magdudulot lamang ng banta sa kaligtasan at seguridad ng publiko.
“To allow his release would pose a grave and imminent danger to the public,” saad sa opisyal na pahayag ng Department of Justice Prosecutors.
Ang naturang dating kongresista ay kumakaharap pa rin sa mga kasong may kinalaman sa pagpatay o murder, illegal possession of firearms and explosives at iba.
Siya rin ang itinuturong umano’y mastermind sa naganap na pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo.