Nananatiling maayos ang seguridad ngayong Sabado, habang nagsasagawa ng kilos-protesta sa EDSA ang mga progresibong grupo kabilang ang Kabataan Partylist, Panday Sining, Kalayaan Kontra Korapsyon (KKK), at Akbayan.
Layunin ng rally ang pagtuligsa sa umano’y patuloy na korapsyon sa pamahalaan, panawagan para sa transparency, at pagtutol sa mga hakbang na nagpapahina sa demokratikong institusyon ng bansa.
Bitbit ng mga kabataan at aktibista ang panawagan para sa “makasaysayang paniningil” sa mga nasa kapangyarihan, kabilang ang mga nasa ehekutibo at lehislatura.
Kasama rin sa mga isyung binibigyang-diin ang pagtutol sa ilang amyenda sa batas, panawagan para sa hustisya, at pagbabalik sa diwa ng EDSA bilang simbolo ng pagkakaisa at laban sa tyrany.
Ang rally ay inaasahang magtatagal hanggang hapon, at may mga aktibidad tulad ng spoken word performances, mural painting, at mga talakayan ukol sa kasaysayan ng EDSA at kasalukuyang kalagayan ng bansa.
Nagpaalala ang mga organizer na mapayapa ang pagtitipon at bukas sa lahat ng nais makiisa.
Magkakaroon din ng bagong rally sa darating na Setyembre 21, 2025.