Hinatulan ng Barzil Supreme Court ng 27-taon at 3 buwang pagkakakulong si Brazilian former president Jair Bolsonaro matapos mapatunayang nagtangkang manatili sa kapangyarihan sa pamamagitan ng kudeta matapos ang matalo sa halalan noong 2022.
Apat sa limang mahistrado sa panel ang bumoto pabor sa hatol. Ayon kay Justice Cármen Lúcia, si Bolsonaro umano ang pinuno at nag-udyok ng organisadong pagtatangkang pabagsakin ang sistema ng demokasya ng bansa.
Kasalukuyang nasa house arrest si Bolsonaro sa Brasília at maaaring mag-apela sa Korte Suprema ng Brazil.
Samantala mariing kinondena naman ni U.S. President Donald Trump ang naging hatol, at tinawag na “very bad for Brazil,” habang nagpapatuloy ang mga protesta mula sa mga tagasuporta ni Bolsonaro.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may nahatulang dating pangulo ng Brazil dahil sa tangkang kudeta.
Sa kabila ng mga kasong kinahaharap, nananatili siyang makapangyarihang tao, at inaasahang mag-aanoint ng hahaliling kandidato sa halalan laban sa kasalukuyang presidente na si Luiz Inacio Lula da Silva sa susunod na taon