-- ADVERTISEMENT --
OVP, Gumastos ng P20.68M para sa mga Biyahe ni VP Sara
Umabot sa P20.68 milyon ang nagastos ng Office of the Vice President (OVP) para sa mga biyahe ni VP Sara Duterte, sa loob at labas ng bansa mula Enero hanggang Hulyo 2025.
Sa kabuuang halaga, P13.207 milyon ang ginastos para sa mga local trips, habang P7.473 milyon naman ang napunta sa mga foreign trips.
Ang nasabing halaga ay para lamang sa gastos ng mga security personnel, dahil si VP Duterte mismo ang sumasagot sa sarili niyang personal na gastusin.
Ayon sa OVP, sa ilalim ng 2025 budget, may natitira pang P41.61 milyon si VP Sara sa kanyang travel fund.
-- ADVERTISEMENT --