-- ADVERTISEMENT --

Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong nakaraang Hulyo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ito ay kasunod ng pabago-bagong panahon na nakaapekto sa iba’t ibang sektor ng labor market.

Sa isang press briefing, sinabi ni PSA Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa na umakyat sa 2.59 milyon ang bilang ng mga unemployed na Pilipino mula sa 1.95 milyon noong Hunyo 2025.

Mas mataas ito kumpara sa 2.38 milyon na walang trabaho na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Dahil dito, 53 sa bawat 1,000 katao ang walang trabaho o pinagkakakitaan sa nasabing panahon.

-- ADVERTISEMENT --