-- ADVERTISEMENT --

Magsasagawa ng iba’t-ibang tribute o pag-alala ang Estados Unidos sa paggunita ng ika-24 na taon ng September 11, 2001 terror attack.

Sa nasabing pag-atake ay kumitil ng kabuuang 2,977 katao sa World Trade Center sa Manhattan, The Pentagon sa Arlington, Virginia at sa Somerset County, Pennsylvania.

Isasagawa ang taunang commeration ceremony sa 9/11 Memorial sa Lower Manhattan.

Habang ang New York City Fire Department (NYFD ay aalalahanin nila ang 39 nilang miyembro na nagkaroon ng sakit at namayapa dahil sa ginawa nilang walang tigil na rescue operations noon.

Mayroon ding isasagawang pagpapatunog ng kampana sa Garden of Reflection sa Bucks County, Lower Makefield ang official memorial ng mga biktima sa Pennsylvania.

-- ADVERTISEMENT --

Magkakaroon naman ng flag memorial service ang Hartsville Fire Company sa York Road sa Warminster.

Isasagawa nila ang pag-display ng 403 na watawat ng Amerika sa harap ng fire station.

Ang nasabing mga bandila ay binubuo ng 343 na bumbero mula New York City, 37 New York Port Authority officers at 23 New York Police Department na nasawi habang inililigtas ang ilang mga biktima.

Inaasahan din na magtutungo si US President Donald Trump sa Pentagon para bigyan ng pagkilala ang mga nasawi.

Magugunitang hinay-jack ng mga terorista ang pampasaherong eroplano kung saan pinabagsak ito sa World Trade Center Building habang naagapan naman ang ilang tangkang terror attack sa Pentagon.