Pinasok ng drones ng Russia ang airspace ng Poland nitong umaga ng Miyerkules, Setyembre 10.
Base sa reports, in-activate ng Poland ang kanilang defense systems sa gitna ng pagsalakay ng Russian drones.
Kaugnay nito, idineploy ng Poland at kaalyaado nitong North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang kanilang military aircraft, kabilang ang US F-35 fighter jets na nagpapatroliya ngayon sa himpapawid ng Poland para i-monitor at pigilan ang lalo pang intrusion ng Russian drones.
Napaulat naman na ilang drones ng Russia ang napabagsak.
Sa ngayon, isinara na ang Warsaw International Airport ng Poland.
Ayon naman kay Polish Prime Minister Donald Tusk, nagpapatuloy ang isinasagawa nilang operasyon kaugnay sa multiple violations ng Russian drones sa airspace ng Poland.
Maigting namang nakikipag-ugnayan ang PM sa defense officials kaugnay sa naturang development.