Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na hindi didepende ang Pilipinas sa security alliance nito sa Amerika.
Lalo at ang banta na kinaharap ng Pilipinas ay hindi lang basta opinyon kundi ito ay nakabase sa katotohanan.
Ayon sa Pangulo magpapatuloy ang Pilipinas sa pagpapalakas ng mga resources nito upang maging epektibong partner ng Amerika.
Naniniwala ang Pangulo na ang pagpapalakas sa ating seguridad ay nangangailangan ng pagpapalakas sa ating ekonomiya.
Ipinunto ni Pangulong Marcos, ang security alliance ng Pilipinas at Amerika ay hindi lisensiya para maging kampante na lamang ang bansa sa usaping panseguridad.
Pursigido ang administrasyon na itulak ang mga inaasam asam na target ng sa gayon mabigyan ng magandang oportunidad ang sambayanang Pilipino at masiguro na ang lakas at tibay ng ekonomiya ay nagbibigay ng mga benepisyo para sa pangmatagalang katatagan at seguridad.
Sa ginanap na Manila Strategy Forum, ibinahagi ni Pangulong Marcos na nagkasundo sila ni US Secretary of Defense Pete Hegseth’s na palalakasin pa ng Pilipinas at Amerika ang kanilang defense industrial cooperation.
Tinukoy ng Pangulo ang production ng unmanned systems, energetics, ship at aircraft maintenance and repair.
Pinasalamatan ni Pangulong ang Amerika sa patuloy na suporta nito sa Pilipinas para mapalakas pa ang maritime security efforts ng bansa at sa kampanya nitong maritime domain awareness.