-- ADVERTISEMENT --

Itinanggi ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) na ubos na ang ka nilang pondo at sila ay bankrupt na.

Sa pagdalo ni PhilHealth President at Chief Executive Officer Edwin Mercado sa House of Representatives Committee on Health , na nananatiling malaki pa rin ang pondo ng ahensiya dahil sa mga ipon.

Mula pa noong taon ay marami ang naipon nila at may mga hakbang na silang ginagawa para mapataas ang koleksyon.

Subalit humihingi sila ng subsidy sa mga mambabatas dahil sa pinalawig na benefits coverage.

Kinabibilangan ito ng mga cardiovascular disease treatments, dialysis at kidney operations at maraming iba pa.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod pa diyan ay mayroon pa silang hinihingi na P21 bilyon na pondo mula sa Philippine Amusement and Gaming Corp. at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).