Ibinunyag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na kaya sinibak sa puwesto si General Nicholas Torre bilang PNP Chief dahil sa sinuway nito ang direktiba mula sa National Police Commission (NAPOLCOM).
Sinabi nito na sinusuway ni Torre ang NAPOLCOM kung saan hindi ito sang-ayon sa ilang direktiba.
Dagdag pa ng Pangulo ng makausap nito si Torre ay sinabi niyang mayroong chain of command na hindi basta maaring balewalahin.
Dito sinabi niya kay Torre na tatanggalin niya sa puwesto kung saan maikling sagot naman ng dating PNP chief ay wala na itong magagawa.
Naniniwala ang pangulo na isang magaling na pulis si Torre dahil sa pinoprotektahan niya ang kaniyang mga tao.
Itinanggi rin ng pangulo ang usapin na nawalan ito ng tiwala kay Torre kay niya ito tinanggal.