-- ADVERTISEMENT --

Humiling ang Office of the Ombudsman ng karagdagang P200 million na pondo para sa 2026.

Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations sa panukalang pondo ng Office of the Ombudsman ngayong Martes, Setyembre 9, hiniling ni Assistant Ombudsman Adorie Corinto sa dalawang kapulungan ng Kongreso partikular na sa Kamara de Representantes na ikonsidera ang paglagak ng karagdagang pagpopondo.

Isa na dito ang P36.2 million lump sum fund para sa paglikha ng casual positions. Ipinaliwanag ng opisyal na ang naturang inisyatiba ay makakatulong para mapreserba ang mahahalagang records ng Ombudsman mula sa degradation.

Maliban dito, hiniling din ang pagdaragdag ng anim na karagdagang Ombudsman Assistance Centers (OACs) na may kabuuang pagpopondo na P163.8 million.

Ayon kay Ass. Ombudsman Corinto, ang naturang inisyatiba ay magpapabuti pa sa access ng publiko sa mga serbisyo ng Ombudsman.

-- ADVERTISEMENT --