-- ADVERTISEMENT --

Inaasahan na magkakaroon ng minimal na epekto sa ekonomiya at negosyo ang biglaang pagbitiw sa pwesto ni Shigeru Ishiba bilang Punong Ministro ng bansang Japan.

Ito ang inihayag ni Bombo International News Correspondent Myles Beltran sa Tokyo, Japan na maging sila ay nabigla rin sa naging desisyon ng Prime Minister kung saan, maaaring maunsyame ang ilang agreement na nalagdaan sa ilalim ng kaniyang pamumuno.

Ngunit, posible aniya na hindi magtatagal ang ganitong sitwasyon sa bansa dahil sa naghahanda na ang mga opisyal ng pamahalaan para sa gaganaping eleksyon upang muling makahalal ng panibagong Punong Ministro.

Dagdag pa ni Beltran na ang isa sa mga tinitingnang dahilan sa pagbitiw ni Ishiba ay ang sunod-sunod na pagkatalo ng kaniyang Liberal Democratic Party (LDP) sa eleksyon gayunidn ang kasunduan sa Estados Unidos kaugnay sa taripa sa mga sasakyan at export ng Japan na tinawag pa nitong “pambansang krisis”.

Sa edad na 68, tiniyak ni Ishiba na mananatili muno ito sa pwesto hanggang sa makapili ng bagong Punong Ministro ang partido.

-- ADVERTISEMENT --