-- ADVERTISEMENT --

Ibinunyag ni Russian President Vladimir Putin na mayroon na itong kasunduan kay US President Donald Trump para tuluyang matapos ang giyera nila sa Ukraine.

Isinagawa nito ang pahayag sa pagdalo niya sa summit sa China.

Hindi naman nito binanggit kung pumayag na ito sa peace talks kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

Muling ipinagtanggol ni Putin sa harap ng mga world leaders na dumalo sa China summit ang ginawan nitong pag-atake sa Ukraine.

-- ADVERTISEMENT --

Matapos kasi ang pulong ni Putin kay Trump sa Alaska ay nagkasundo sila ni US special envoy Steve Witkoff ng security guarantees sa Ukraine at potensiyal na peace deal.