Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang pagdiriwang ng National Heroes day kung saan binigyang pagkilala nito ang mga modern day heroes na tapat na naglilingkod, nagmamalasakit at nagmamahal sa bansa at ang mga bayaning hindi naisulat ang pangalan sa mga pahina ng kasaysayan na naging mitsa at apoy na bumuhay sa ating kasarinlan.
Panahon na rin para gisingin ang kamalayan ng mga kabataan tungkol sa kanilang tungkulin sa bayan.
Giit ng Pangulo dapat gabayan ang mga kabataan para maging mas mapanuri ang mga ito sa suliranin sa ating lipunan.
Samantala. hindi lamang sumentro sa pagkilala sa mga bayani ang naging mensahe ng Pangulo kundi
Naging pokus din ng talumpati ng Pangulo ang tungkol sa nadiskubre at nadidiskubre pang anomalya sa flood projects.
Ayon sa Pangulo, papananagutin ang lahat ng sangkot sa anomalya at katiwalian habang lalabas aniya nila ang buong katotohanan ukol dito.
Paniniguro ni Pangulong Marcos, hindi na mauulit ang kawalan ng respeto at kawalan ng malasakit sa taumbayan na ginawa ng mga nasa likod ng malawakang iregularidad na isang kahayagan aniya ng pang- aabuso sa tungkulin.
pagbibigay diin ng Chief Executive, hindi lamang salapi ninanakaw ng mga nasa likod ng anomalya kundi pati na ang kalusugan, pangarap, at kinabukasan ng mga susunod na henerasyon.